I'm out of Ordinary!!

Minsan kailangan mo ng isang tahimik na lugar, yung lugar na ikaw lang. Lugar na kung saan tanging paghinga mo lang ang naririnig mo. Para makapag isip-isip ng mga bagay bagay at kung ano ba talaga ang gusto mo sa buhay. Madalas kapag tahimik, nakakapag desisyon tayo ng maayos. Pero kadalasan kapag tahimik, madalas din tayo malungkot. Kaya nga tahimik eh, ibig sabihin walang tao sa paligid mo. Ramdam mo ang pag-iisa. Di mo alam kung paano ka mag sisimula ulit, kasi nagulo ang mga balak mong gawin dahil nawala yung taong kasama mo sanang tutupad nung mga pangarap na yun. Napakadaling mawala ng isang tao sa atin. Kahit gaano karami ang nagawa mong kabutihan sa kanya/kanila. Sa isang pagkakamali mo lang, maaring mabago lahat ang pagtingin ng tao sayo.